Tuesday, November 06, 2007

allergic ako sayo (from maila)

Mainit ulo ko today. Pero tapos na yung situation at ok na lahat. Pero alam mo yun, pag mainit ulo mo, di naman agad mawawala. Lahat tuloy ng kinaiinit ng ulo ko, naalala ko. hahaha! Talk about stress. Self-induced stress.
Now I'm left wondering why it's so much harder to be nice than to be not nice. Why do we think it's funny when we are mean? Why do we pride ourselves when we are the bully? And why do we feel triumphant when we are successful at being sneaky?
At dahil gusto kong mawala ang init ng ulo ko, pagtatawanan ko na lang ang mga nakakainis na mga bagay na ito:
1. Allergic ka sa mga taong hindi independent - pero wag ka, pag mag-isa di mapakali at kelangang may kasama.
2. Allergic ka sa mga taong mapapel - pero wag ka kahit di nya birthday gusto nyang sya ang kantahan ng happy birthday. O sya blow the candle!
3. Allergic ka sa mga taong nagbibisyo - pero sa totoo lang ang sungit mo dahil wala kang bisyo. Masyado kang magaling, magbisyo ka nga!
4. Allergic ka sa mga taong ang laki ng isyu - paano mo nalaman isyu nya kung di ka nakikinig? Tsismosa!
5. Allergic ka sa mga taong namimilit magkwento ka ng detalye ng buhay mo - pero nangingitngit ka pag di ka nakwekwentuhan.
6. Allergic ka sa mga taong nanunumbat - pero ang laging bukang bibig mo, wala talagang utang na loob yan si ganire at si ganyan.
7. Allergic ka sa mga taong tanga - ang swerte mo ikaw lang binigyan ng perpektong utak. Aray!
8. Allergic ka sa mga linta - pero halos tumira ka na sa bahay ng lahat ng tao. Bampira!
9. Allergic ka sa mga OA magkwento - inggit ka lang di mo agad naisip yun.
10. Allergic ka sa mga taong mayayabang at pabida - asus! eh pag nagkwento ka nga wala nang makasingit!
11. Allergic ka sa mga taong plastic - ang plastic mo!
12. Allergic ka sa mga taong pikon - asarin mo kaya sarili mo tingnan natin kung di ka mapikon!

Ang laki ng isyu ko! hahahahaha!!! =D
Lahat yan tinamaan din ako. But I feel so much better. hahahaha! =D
Hibang lang... Tigilan na ang eklavung ito!

1 Comments:

Blogger bebeh swit said...

ehem ate haha mwaaaahh

5:39 PM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home