Sabi MO , ang gobyerno natin ay palpak.
Sabi MO , ang mga batas natin ay sinauna.
Sabi MO , ang lokal na pamahalaan natinay hindi maganda ang pagkolekta ng basura at angpaglilinis ngmga lugar.
Sabi MO , hindi gumagana ang mga telepono, katatawananang kalagayan ng trapiko, at hindinakakarating sa paroroonan ang mga sulat.
Sabi MO , parang nasadlak sa basura ang ating buong bansa.
Sabi Mo , sabi MO, sabi MO.
E ano'ng ginagawa mo tungkol dito?
Kumuha ka ng isang taong papunta sa Singapore .
Bigyan mo sya ng pangalan, yung sa IYO.
BigyanMO sya ngmukha, yung sa IYO.
Lumabas KA sa airport nang pinakamatino mong sarili na maipagmamalaki sa mundo..
Sa Singapore ...
Hindi KA nagtatapon ng upos ng sigarilyo sa kalye.
Ipinagmamalaki MO ang magaganda nilang underpass.
Nagbabayad KA ng mga 60pesos para makapagmaneho sa Orchard Road (parangEDSA) mula alas 5 hanggang alas 8 ng gabi.
Bumalik KA sa parking lot para bayaran ang parking tiket mo kung napasobra ka ng oras sa shopping o sa pagkain sa isang restaurant.
Sa Singapore , wala KAng sinasabi, meron ba?
Hindi MO susubukang kumain sa lantad kapag Ramadan saDubai .
Hindi MO susubukang lumabas ng bahay nawalang takip ang mukha sa Jeddah.
Hindi MO susubukang lagyan ang isang empleyado ng kumpanya ng telepono sa London para mapunta sa ibang tao ang mga long distance na tawag mo.
Hindi MO susubukang lumampas ng 90kilometers per hour sa Washington, at saka sasabihin sa pulis "Alam mo kung sino ako?"
Bakit di MO subukang dumura o magtaponng upos ngsigarilyo o balat ng kendi sa mga kalyesa Tokyo ?
Bakit hindi MO subukang bumili ng pekeng mga papeles sa Boston tulad ng ginagawa sa Recto?
Pinag-uusapan pa rin natin IKAW.
IKAW na gumagalang at sumusunod sa patakarang banyaga sa ibang bansa pero hindi makasunod sa sarili mong lugar.
IKAW na tapon ng tapon sa kalye pagtuntong mo pa lang sa lupa.
Kung IKAW ay nakikisalamuha at pumupuring systema sa bansang banyaga, bakit hindi KA magingganyan sa Pilipinas?
Minsan sa isang panayam, ang dating Subic Administrator na si Gordon ay maykatwiran ng sinabinyang "Ang mga aso ng mayayaman ay pinalalakad at pinadudumi ng may-ari sa kalye, tapos sila mismo ang pumupuna sa may katungkulan sa kapalpakan sa paglilinis ng mga kalye. Ano ang gusto nilang gawin ng mga may katungkulan? Magwalis tuwing makakaramdam nghindi maganda sa tiyan ang kanilangalaga?"
Sa America , bawat may-ari ng alaga ay dapat maglinis matapos ang pagdumi ng aso. Ganuon din sa Japan .
Gagawin ba ng mga Pilipino yun dito? Tama sya.
Pumupunta tayo sa botohan para pumili ng gobyerno at pagkatapos nuon ay tinatanggal na natin sa sarili ang responsibilidad.
Uupo tayo sa isang tabi at maghihintay ng pagkalinga at umaasa na gagawin ng gobyerno ang lahat habang wala tayong iniaalay.
Umaasa tayo sa pamahalaan na maglinis,ngunit hindi naman tayo titigil sa pagtatapon ng basura sa kung saan-saan, at ni hindi tayo pupulot ng anumang pirasong papel para itapon sa basurahan.
Pagdating sa mga panlipunang talakayin tulad nang hindi pagiging tapat sa kasal, sa mgadalagang ina, sa pagtatalik ng walang basbas ng kasal,at iba pa,maingay tayong nagpoprotesta ngunit patuloy naman nating ginagawa ang mga ito.
Tapos sinisisi natin ang pamahalaan kapag nakikitanatin ang karahasan sa kabataan,pagkagumon sa bawalna gamot, at iba pa,
samantalang sinimulan natin ito sa hindi pagpansin sa pangangailangan ng ating mga anak ng tunay na pag-gabay at responsibilidad ng isang magulang.
Ang sabi natin, "Ang buong sistema ang kailangang magbago. Ano ang magagawa kung ako lang ang magpapabago sa aking pamilya?"
E sino ang magbabago ng sistema?
Ano ba ang mga sankap ng sistema?Napakaginhawa sa atin na ang sistema ay binubuo ng ating mga kapitbahay, mga ibang tahanan, ibang syudad, ibang komunidad, at ang pamahalaan. Pero hindi kasama IKAWat AKO. Pagdating sa ating pagkakaroon ng positibong handog sa sistema, ikinakandado natin ang sarili, pati na ang ating pamilya sa loob ng isangligtas na pugad at tumatanaw na lang tayo sa malayongmga lugar at bansa at naghihintay ng isang Mr. Clean na dumating at maghatid na mga himala.
O lumilikas tayo. Parang mga tamad naduwag na hindi pinatatahimik ng ating mga takot,
tumatakbo tayo sa Amerika upang makisalo sa kanilang luwalhati at purihin sa kanilang sistema.
Pero pag naging masalimuot sa New York tatakbo tayo sa Japan oHongkong.
Pag nagkahirapan ang paghanap ng trabaho sa Hongkong, sakay agad tayo sa susunod na eroplano patungong Gitnang Silangan.
Pag may digmaan sa Gulf,inaasahan nating masagip at mapauwi ngGobyernongPilipino.
Lahat ay handang umabuso at gumahasa sabansa. Walang nag-iisip na handugan ang sistema.
Ang konsyensya natin ay nakasanla sa pera. Mga mahal kong kababayan,ang sulating ito ay matinding nakakakislot ng isipan,nangangailangan ng maraming pagmumuni-muni, at tumutusok din sa konsyensya. Medyo inuulit ko lang ayon sa ating salita ang mga salita ni John..F.Kennedy sa kanyang ka bansa upang maitugma sa ating mga Pilipino:
"Itanong natin kung ano ang magagawa natin sa ating bansang Pilipinas at gawin ang nararapat upang ang Pilipinas ay maging tulad ng Amerika at ibang kanlurang bansa ngayon."
Gawin natin kung ano ang kailangan ng Pilipinas sa atin. Ipasa ito sa lahat ng Pilipino.